Enrique Gil – Rockin' Them Jeans Lyrics

Enrique Gil Lyrics

“Rockin’ Them Jeans”

Saan man galing ang ihip ng hangin

Mapuwing man ako ng buhangin

Ang ngiting ito’y may munting pag-amin:

Maliwanag pa sa araw

Ang liwanag ko’y ikaw

Ang mabihag ng iyong mga bisig

Tanging kaligayahan ko’t hilig

Handang mag-alay sa ngalan ng pag-ibig

Wala nang mas malinaw

Ang liwanag ko’y ikaw

Kaya’t huwag nang ipagkait

Ang bulong ko sa langit:

Ang tayo’y maglayag,

Lumipad kahit saglit

Ikaw ang ilaw sa’n ka man dalhin

Hindi na tayo matatakot sa dilim

Dahil iba ang dala ng pagibig mo

Liwanag sa buong mundo

Shine Pilipinas SHINE 4X

Tunawin man ng init ng panahon

Ang puso kong hangad lang ay ambon

Di susuko; ano man ang hamon

Sa dilim, lumilitaw

Ang liwanag ko’y ikaw

Sa bawat kilos mo’t galaw

Damdamin mo’y sumisigaw

Ang ganda mo’y sumasayaw

Buong mundo’y nasisilaw

7107 islands with a touch of heaven

Beautiful faces, beautiful culture beautiful races, beautiful places

Mountains, beaches to the shore, we got more yeah that’s for sure!! People, fiestas fun together

Everyday is summer, you’ll love the weather

Kahit ano, we got it all

Sa lupang sinilangan

Ako’y natutong maglakad

Pangarap ko’y nakasakay

Sa hanging lumlipad

Sa’n mo man ako dalhin ako’y

Patuloy babalik

Kagaya ng tubig sa lupa’y

Hahalik

Nadadaan ang lahat sa sipag at dasal,

May dalang liwanag ang pagmamahal