Kuh Ledesma – Sana Lyrics

Kuh Ledesma Lyrics

“Sana”

Ang yakap ko sana pa rin ikaw

Init kong panlaban tuwing magiginaw

At ikaw pa rin sana ang siyang tinatanaw

Pag-uwi mo, paglubog na ang araw

Halik ko rin sana ang gigising

At ‘di kanyang labi, tuwi kang mahimbing

Ang almusal mo sana, ako’ng naghahain

Masarap ba siyang magluto kaysa ‘kin?

Oh, kung ‘di lang kita sana iniwan pa

Sana’y ako ang kapiling mo

At hindi siya ang masaya

Oh, kung ‘di lang kita sana iniwan pa

At hindi ako nagtaksil sa ‘yo

Sana ngayon, oh, sana

Ako pa rin ang lagi mong kasama

‘Di sana ako nagkasala

Ako at ikaw pa rin sana

Ako at ikaw pa rin sana

Ako at ikaw pa rin sana