Rico J. Puno – Sana Dalawa Ang Puso Ko Lyrics

Rico J. Puno Lyrics

“Sana Dalawa Ang Puso Ko”

Demonyo ka, ginulo mo ang buhay ko

Mula nang makilala kita

Hindi ka na naalis sa alaala ko

Lagi kitang hinahanap

Ano ba talaga ang meron ka na nakakaakit talaga?

Parang kailan lang, buhay ko’y walang gulo

May minamahal, at minamahal ako

Nang makilala ka, buhay ko’y biglang nagbago

Ako’y nagtataka, puso ko’y litong-lito

Bakit nga kaya iisa ang puso natin?

‘Di naman natin maaaring hatiin

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Nakakaadik ka

Para kang isang bisyong ang hirap iwasan

Kasi masarap ka, eh

Masarap kang kasama

No dull moments with you

Alam mo nagdadalawang-isip ang feelings ko

Kaya miss na miss kita

Oh, bakit nga kaya iisa ang puso natin?

‘Di naman natin maaaring hatiin

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Ngunit kung isa sa inyo ay mawawala

‘Di makakaya ang hirap na madarama

Kahit alam ko na darating din ang araw

Na pipili ako kung siya na nga o kung ikaw

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo

Sana dalawa ang puso ko

Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Sana dalawa ang puso ko

Para hindi ako nagugulo

Sana dalawa ang puso ko

Para hindi na ‘ko nalilito

Sana dalawa ang puso ko

Para hindi na ‘ko nagugulo

Sana dalawa ang puso ko

Ginugulo mo ang isipan ko

‘Di bale, okey lang magulo isip ko

Iba naman kayo ng level pareho, eh

Ibang klaseng pagmamahal

Siguro mas maganda kung, ahm

Gawin mo na lang akong papa

Papi for short

Sana lagi ka lang available everytime I need you

Please, please, please, ah