Manilyn Reynes – Pangako Lyrics

Manilyn Reynes Lyrics

“Pangako”

Bakit ba may lungkot sa ‘yong mga mata?

Ako kaya’y ‘di nais makapiling, sinta?

‘Di mo ba pansin, ako sa ‘yo’y may pagtingin?

Sana ang tinig ko’y iyong dinggin

Ikaw kaya’y hindi mapalagay

At ang puso mo’y nalulumbay?

Hayaan mo’t pakakaingatan ko ito

At para sa ‘yo’y mayro’ng pangako

Pangako, hindi kita iiwan

Pangako, ‘di ko pababayaan

Pangako, hindi ka na mag-iisa

Pangakong magmula ngayo’y tayong dalawa ang magkasama

La-la-la, la-la, la-la-la
Ano itong nadarama ko?

Ako kaya’y nahuhulog, umiibig na sa ‘yo?

Sa t’wing kasama ka’y anong ligaya

Sana sa akin ay magtiwala

‘Pagkat tunay ang nadarama ko

Pag-ibig na hindi maglalaho

Ang aking puso ay iyong-iyo

At para sa ‘yo’y mayro’ng pangako

Pangako, hindi kita iiwan

Pangako, ‘di ko pababayaan

Pangako, hindi ka na mag-iisa

Pangakong magmula ngayo’y tayong dalawa

Tayong dalawa

Pangako, hindi kita iiwan

Pangako, ‘di ko pababayaan

Pangako, hindi ka na mag-iisa

Pangakong magmula ngayo’y tayong dalawa ang magkasama

Pangako