Willie Revillame – Dito Lang Ako Lyrics

Willie Revillame Lyrics

“Dito Lang Ako”

Laging namumugto ang iyong mga mata

Kahit na pilit itago ay aking nakikita

Alam ko na ikaw ngayon ay nagdurusa

Ngunit bakit ba mahal na mahal mo s’ya?

Maraming ulit na sa akin ay nasabi mo

Na hindi mo na makakaya, nangyayari sa’yo

Sana’y buksan ang pintuan ng puso mo

At ako naman ay papasukin mo

Dito lang ako, isang tawag mo lang

Lagi ay handang ika’y damayan

Dito lang ako at handang ibigay sa’yo

Maging ang kailanman

Sa hirap at saya, lagi’y makakasama mo

Ganyan ang pag-ibig ko para sa’yo

Maraming ulit na sa akin ay nasabi mo

Na hindi mo na makakaya, nangyayari sa’yo

Sana’y buksan ang pintuan ng puso mo

At ako naman ay papasukin mo

Dito lang ako, isang tawag mo lang

Lagi ay handang ika’y damayan

Dito lang ako at handang ibigay sa’yo

Maging ang kailanman

Sa hirap at saya, lagi’y makakasama mo

Ganyan ang pag-ibig ko para sa’yo

Lagi kang iibigin at pakamamahalin

Ikaw ang siyang lahat para sa’kin

Para sa’kin

Dito lang ako, isang tawag mo lang

Lagi ay handang ika’y damayan

Dito lang ako at handang ibigay sa’yo

Maging ang kailanman

Sa hirap at saya, lagi’y makakasama mo

Ganyan ang pag-ibig ko para sa’yo