April Boy Regino – Nasaan Ka, Kailangan Kita Lyrics

April Boy Regino Lyrics

“Nasaan Ka, Kailangan Kita”

Sa gabi’y ‘di makatulog, lagi nang nalulungkot

Ang kahapon ay ‘di malimot, nasa puso lagi ang kirot

Kailan kaya mawawala sa damdamin ang pagluha?

Kailan mawawala ang sakit na nadarama?

Laging naaalala, pagsasama nating kay saya

Kapag tayo’y magkasama, parang langit ang nadarama

Pagmamahal na walang hanggan ang ating sumpaan

Ngunit, ikaw ay lumisan, iniwan akong luhaan

Paano malilimutan ang ating nagdaan?

Paano maiiwasang puso’y ‘di masugatan?

Gayong ikaw ang laging laman ng aking isipan

Kahit na nasasaktan, pag-ibig ko’y tanging sa ‘yo lang

Ooh, mahal kita, wooh-ooh

Ooh-ooh, nasaan ka? Kailangan kita (kailangan kita)

Ikaw ang aking pag-asa at tanging ligaya

Maging sa panaginip ay hanap-hanap ka

Tanging sa pag-ibig mo, pag-ibig mo ang buhay ko

Kahit wala ka na, puso ko ay iyong-iyo

Noo’y kaligayahan ang nararamdaman

Tila ba ang pagmamahala’y walang katapusan

Ngunit, bigla kang lumayo, parang bula na naglaho

Langit na pangako mo, napalitan ng pagluha ko

Ooh, mahal kita, wooh-ooh

Ooh-ooh, nasaan ka? Kailangan kita (kailangan kita)

Sa gabi’y ‘di makatulog, lagi nang nalulungkot

Ang kahapon ay ‘di malimot, nasa puso lagi ang kirot

Kailan kaya mawawala sa damdamin ang pagluha?

Kailan mawawala ang sakit na nadarama?

Kailan mawawala ang sugat na dinulot mo?

Wooh-wooh-wooh-wooh