Khalil Ramos – Kung Ako Ba Siya Lyrics

Khalil Ramos Lyrics

“Kung Ako Ba Siya”

Matagal ko nang itinatago

Mga ngiti sa munti kong puso

Batid kong alam mo nang umiibig sa ‘yo, whoa

Bakit ‘di mo pansin itong aking pagtingin?

Ba’t ‘di mo ramdam ang tibok nitong dibdib?

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin

Kung ako ba s’ya, mapapansin mo?

Kung ako ba s’ya, mamahalin mo?

Ano bang mayro’n s’ya na wala ako?

Kung ako ba s’ya, iibigin mo?

Masakit ko mang isipin

Mahirap mang tanggapin sa damdamin

Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin

Ngunit ano’ng gagawin ng puso

Sa ‘yo lang ibinigay ang pangako

Patuloy na namang aasa sa ‘yo, sinta

Kung ako ba s’ya, mapapansin mo?

Kung ako ba s’ya, mamahalin mo?

Ano bang mayro’n s’ya na wala ako?

Kung ako ba s’ya, iibigin mo?

Ikaw lamang ang inibig ng ganito

Sabihin mo kung paano lalayo sa ‘yo, oh

Kung ako ba s’ya, mapapansin mo? (Kung ako ba s’ya?)

Kung ako ba s’ya, mamahalin mo? (Kung ako ba s’ya?)

Ano bang mayro’n s’ya na wala ako?

Kung ako ba s’ya (kung ako ba s’ya), kung ako ba s’ya

Ooh, iibigin mo?