Khalil Ramos – Maleta Lyrics

Khalil Ramos Lyrics

“Maleta”

Sa guwardiya’y naibilin na kita

Alas-sinko y medya ay darating ka

Ang mga maleta ay nasa likod ng pintuan

Kunin mo lang ang sa’yo

Alam mo nama siguro kung ano ang sa’yo

Huwag mong galawin ang sa akin

Iwan mo’ng mga binigay mo sa ‘kin

Iwan mo lang sa unan ang amoy

Nang ‘yong pagtataksil, akin yan

Iwan mo lang ang pangakong dinurog

Ng puso mong suwail

At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding

Ang mga alaala nang maamong mukha

Ng pag-ibig mong sinungaling

Iwan mo ang susi sa tukador

Isara ang pinto at huwag nang lilingon

Huwag mong piliting lumuha baka ‘di mo kaya

Mabigat ang maletang dala mo

Yan ang kabaong ng pag-ibig na pinatay mo

Sana ay kaya mong buhatin

Habang buhay mo yang bubuhatin

Taandaan mong maigi ang anoy ng pagtataksil

Bitbitin mo ang pangakong dinurog ng puso mong suwail

At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding

Ang mga alaala nag maamong mukha

Ng pag-ibig mong sinungaling

At kung magkita man tayong muli

Huwag mo akong babtiin